7.31.2011

John Lloyd Cruz Most Beautiful Star




Hindi nga kaguwapuhan si John Lloyd Cruz pero siya ang nanalong Most Beautiful Star sa paligsahan ng YES Magazine. Tinalo pa niya ang mga babae? Kasi siguro ang mga babae hindi na natural ang beauty.
Ito ang balita.

FOR the first time lalaki ang nanguna sa YES! 100 Most Beautiful Stars 2011. Kung sina Judy Ann Santos (2007), KC Concepcion (2008), Marian Rivera (2009), at Kim Chiu (2010) ang previous winners, this time, ito’y walang iba kundi ang Box Office King na si John Lloyd Cruz.
Awkward daw ang naramdaman ni John Lloyd nang malaman niyang siya ang cover at “Most Beautiful” this year.
“Para mapasama sa listahan ng ganitong naggagandahang mga nilalang, at ikaw pa ang cover ng magazine, overwhelming definitely.
“But it’s awkward to be here. But nevertheless, I’m very thankful, ” deklara niya.

No comments: