7.22.2011

Ruffa Gutierrez is angry with her ex-husband



Bakit naman kasi pinagaganap pa ni Ruffa Gutierrez ang mga anak niya kung marami naman silang pera? Kahit na guto naman ng mga bata, siya pa rin ang magdedesisyon. O kwento lang ito para publicity katu;ad ng maraming obserbasyon ?

Masama ang loob ni Ruffa Gutierrez sa kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas dahil sa umano’y paratang na pinagkakakitaan niya ang dalawa nilang anak.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, iginiit ni Ruffa na abonado pa siya kung tutuusin sa gastusin ng dalawa niyang anak dahil P2,500 lang umano ang talent fee ng mga bata.
Muling naungkat ang sigalot ng dating mag-asawa dahil sa pagnanais ni Yilmaz na makuha ang konstudiya ng dalawa niyang anak kay Ruffa.

No comments: