7.13.2011

Humingi ng apology si Quark Henares sa inang si Vicki Belo






 Sa unang interview kay Quark Henares, ang anak ni Dr. Vicki Belo, nabanggit niya na kung hindi lang mahal niya ang ina, tutol siya kay Hayden Kho. Nabanggit pa niya na kung sakaling sasaktan ni Hayden ang kalooban ng kaniyang ina, siya mismo ang papatay dito. Marahil siya ay napagalitan kaya ito, nageexplain siya nang siya ay mainterview sa kaniyang pelikulang dnirek.


 Ito ang sinulat ni Lolit Solis:
Pinagkaguluhan si Quark Henares ng entertainment press nang dumating siya kahapon sa presscon ng Rakenrol, ang closing film sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival.
Hindi nakaiwas at hindi naman umiwas si Quark sa mga reporter na nangulit tungkol sa kanyang tweet na papatayin niya si Hayden Kho, Jr. kapag niloko uli nito ang nanay niya, si Dra. Vicki Belo.
Ikinuwento ni Quark sa mga reporter na nag-apologize na siya sa kanyang ina.
Na-realize ko na naman na masuwerte si Mama Vicki sa pagkakaroon ng mga mababait at understanding na anak.
Mapalad siya dahil hindi rebelde si Quark at ang kapatid nito na si Cristalle.
Sumipot din si Cristalle sa presscon ng Rakenrol bilang suporta sa kanyang kuya na direktor.
Dalawang minuto ang hiningi ni Cristalle kay Quark para masabi niya sa entertainment press ang bagong promo ng Belo Essentials.

No comments: