Robin Padilla is taking a long break from hosting the new game show, Pilipinas Win na Win. The reason given is the coming Ramadan but insiders said that the main reason could be the incompatibility of Robin and Kris in hosting.
Here is the excerpt from PEP article.
ROBIN AND KRIS. Liban sa reklamo ni Robin na hindi siya tinapat ng management tungkol sa show na lalabasan, may isa pa raw dahilan kung bakit gusto nitong kumawala na. Ang dahilan, ayon sa isa pang PEP source, ay dahil hindi raw talaga compatible ang hosting styles nila ni Kris.
Kung si Robin daw ay underplaying parati, si Kris naman daw ay over the top lagi. Kung cool si lalake, hyper si babae. Para nga raw "tubig at langis" na hindi maaaring magsama, lalo na't top billing pareho ang dalawang big stars. Kaninong style ang masusunod? Ano ang magiging tono ng programa—mala-Kris o mala-Robin?
Dagdag dito, ayon na rin sa industry insiders na nakakakilala sa dalawang superstars, parehong "control freaks" ang mga ito, lalo na pagdating sa kanilang careers. Sa personalidad ni Kris, obvious naman daw ito. May show ba naman daw si Kris na hindi ito ang main at dominant star? Ang hindi raw obvious, ganitong-ganito rin daw si Robin. Di nga ba't napakaraming kuwento sa pinanggalingan niyang network, ang GMA-7, ng kanyang pagdidirehe sa sarili at pagpapalit ng storyline ng buong teleserye? Paano nga naman daw magsasama ang dalawa, kahit pa they were more than friends mga 21 years ago?
Ayon pa sa aming source, kasama sa mga incompatibilities nina Robin at Kris ay ang pagiging bukas ni Robin sa improvisations at instant changes sa daloy ng show. Hinding-hindi raw ito ang style ni Kris, na gustong may sinusundan na malinaw.
Base pa sa obserbasyon ng showbiz insider, nagiging "party pooper" si Kris tuwing nag-i-improvise at nag-a-ad lib ang kanyang mga kasamahan sa programa. Bukod kina Kris at Robin ay kasama rin sa Pilipinas, Win Na Win! sina Pokwang, Valerie Concepcion, at Mariel Rodriguez. Ang tatlong kababaihan ay nahasa nang husto sa Wowowee, kung saan lagi silang kinakailangan mag-react at mag-improvise ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
Noong rehearsal pa lamang nila noong Biyernes, Hulyo 30, "binabara-bara" na raw ni Kris ang mga kasamahan, dahil hindi ito makasakay sa pagka-impormal at pagka-malaro ng kanyang co-hosts. Gusto raw nito ay seryosong trabaho na may direksyong malinaw at di basta binabago.
Baka rin may nararamdaman na si Kris. Nito nga raw ay nagtatanong na ang tinaguriang Queen of All Media kung babalik pa si Robin sa show. Bagamat wala raw nagsasabi sa kanya ng totoong saloobin ni Robin at dahil ugali na rin daw ni Robin ang hindi kumprontahin ang isang babae—sagutin man ito ni Robin sa kalaunan, malamang daw ay pagtatakpan pa rin niya ang kanyang mga dahilan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment