8.04.2010

Boy Abunda interviewed Kris Aquino

 Hindi na nga parte ng The Buzz si Kris Aquino para hindi siya masyadong magsalita pero naiinterview pa rin siya.
Ito ang latest interview.

Tinutukan ng marami ang unang bahagi ng exclusive interview ni Boy Abunda kay Kris na ipinalabas sa SNN (Showbiz News Ngayon) noong Biyernes ng gabi. Dito ay sinagot ni Kris ang mga isyu tungkol sa kanyang umano'y pagbubuntis at ang pagkaka-link niya kina Coco Martin, Gerald Anderson, Gabby Concepcion, Robin Padilla, Senator Chiz Escudero, at Makati Mayor Junjun Binay.

Pero ang pinakamatinding pasabog ni Kris tungkol sa estado ng relasyon nila ni James ay isiniwalat niya sa pangalawang bahagi ng interview ni Boy sa The Buzz kahapon, August 1. Dito ay inihayag na ni Kris ang kanyang saloobin tungkol sa desisyon niyang makipaghiwalay sa basketbolista.

MARRIAGE WITH JAMES WAS NULL AND VOID. Nagsimula ang interview sa paliwanag ni Kris tungkol sa isyung null and void ang kasal niya kay James.

BOY: Based on the interview, I think with the lawyers, na may na-mention na maaaring mayroong posibilidad na your marriage was null and void to begin with. Ano ang iyong take?



KRIS: Probably because the premise kung paano siya nagsimula, na hindi ko inamin sa pamilya ko right away, part of destiny 'yan. Kasi siguro kung kumpiyansa ako na it will really be okay and all, hindi na tayo nagtago sa bahay mo. [Laughs] Siguro regalo na 'yan ng tadhana sa aming dalawa. I don't know, Boy, I have to sit down with the lawyers. I have to see the papers. It has to go through the process in court. But kung totoo 'yan at mayroon kaming mga requirements na hindi na-fullfill, at yung technicality nandoon at maru-rule nga ng korte na null and void to begin with, then maybe it's really a lesson for me. That no matter how I tried to avoid it and no matter how much my family tried to accept James, if ever, Boy, in the future—and I'm saying malayong future ito, ha—sisiguraduhin kong I'll do it correctly this time. Wala nang mga patagu-tago pa.

No comments: