8.31.2010

Chin Chin Gutierrez, nasunugan na naman

May kakambal bang malas ito si Chin Chin Gutierrez, pagdating sa apoy?Ikalawang sunog na ng bahay nila itong nangyari kagabi.


Ito ang balita:

Nasunog na noong Disyembre 2006 ang bahay ni Chin Chin Gutierrez sa Loyola Heights sa Quezon City.
Nagtamo pa ng mga paso sa ulo, kamay at paa ang aktres nang kanyang iligtas mula sa apoy ang kanyang ina.


Makalipas ang may 4 na taon, alas-2 ng madaling araw nitong Martes ay muli na naman siyang dumaan sa pagsubok nang muling nasunog ang kanilang bahay.
Sa kuha ng kapitbahay ng pamilya kitang-kita kung paanong nilamon ng apoy ang bahay.
Wala doon ang aktres at tanging ang kasambahay nila ang naiwan.
Isa sa mga tumulong sa nasunugan ang pamilya ni singer-songwriter na si Jim Paredes.
Nagkakasiyahan raw sila ng mga oras na iyon nang nang mapansin ang malaking apoy na halos katabi lamang ng kanilang bakod.
Tumagal ng may 40 minuto bago naapula ang sunog.
Naipalaam naman agad sa manager ng aktres ang nangyari sa kanyang bahay

No comments: