8.11.2010

Liezl Sicangco galit kay Robin at Mariel



Nagagalit din pala si Liezl Sicangco  ang asawa ni Robin Padilla ng mahigit dalawampung taon. May asawa na siya at nakabase sa Australia pero ang mga anak niya ay nandito sa Pilipinas.

Ito ang balita.

May galit at sama ng loob si Liezl Sicangco sa ama ng kanyang mga anak na si Robin Padilla.

Ang hinaing ng ina ng apat na anak ng action superstar, napapabayaan diumano ni Robin ang kanilang ten-year-old kid na si Ali.

(Bukod kay Ali, may tatlong anak na babae ang dalawa—sina Roselle Elizabeth, Kylie Nicole, at Sherileen Zel. Kasalukuyang nakahiwalay ang mga bata sa kanilang ina na nakabase sa Australia.)

Ayon kay Liezl, anim na linggo na raw na hindi nagpapakita si Robin kay Ali kaya lagi raw itong umiiyak kapag nakakausap niya sa telepono.

Ang dahilan: "Si Mariel [Rodriguez]," ang bungad niyang sagot.

Dugtong pa niya, "Siya ang dahilan kung bakit hindi na nagpapakita si Robin kay Ali. Sana, kung hindi na niya maalagaan ang aming mga anak, e, ibalik na lang niya ito sa akin dito sa Australia.

"Actually, wala naman akong pakialam kay Mariel kasi may sarili siyang buhay. Ang concern ko lang naman, e, ang kalagayan ng aming anak, lalo na si Ali dahil napakabata pa niya."

Binanggit din ni Liezl sa writer na ito ang mga bagay na itinuturo umano ni Robin sa kanilang nag-iisang anak na lalaki.

"As of this early, e, tinuturuan na niyang mambabae ang anak ko. 'Tapos, sinasabi pa niya sa bata na dapat, e, magkaroon din ito ng apat na asawa paglaki. Hindi ko gusto 'yon, dahil napakabata pa ni Ali para sa mga bagay na 'yan," ang madamdaming pahayag ni Liezl.

No comments: