8.14.2010

Dolphy Naospital



Naospital pala si Dolphy dahil sa lungkot sa pagkamatay nina Redford Whie at Prospero Luna.
Ito ang balita.
Mabuti na lang at hindi masyadong nagtagal ang depression na naramdaman ni Dolphy sa pagkamatay ng kapwa niya komedyanteng sina
Prospero Luna at Redford White. Agad siyang lumabas ng ospital matapos mahimasmasan. Malapit na kaibigan niya ang mga namatay kaya naapektuhan siya nang husto.
Eighty two years old na si Pidol at nag-celebrate ito ng kanyang birthday sa Hong Kong
kasama sina Zsa Zsa Padilla at mga anak na sina Zia at Eric. Nakakabigla nga naman na pag­dating na pagdating mo ay mga ganitong balita ang sasalubong sa iyo.
Pero okay na si Pidol, back to work again. Ang trabaho niya ang nagbibigay sigla sa kanya.

No comments: