8.17.2010

Kris is allowing James to visit Baby James

Even before the court has decided for the petition of visitation rights, Kris announced that he is allowing James to visit his son, Baby James.



Here is the excerpt of the news:
Handa raw ang presidential sister na si Kris Aquino na bigyan ng karapatan ang mister na si James Yap mabisita ang kanilang anak na si Baby James o Bimby.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ng abogado ni Kris sa panayam sa telepono, na kailangan lang na mapagkasunduan ng mag-asawa ang terms and conditions sa visiting right sa kanilang anak.

Nitong Lunes ay naghain ng petisyon sa korte si James na makita ang anak dahil dalawang linggo na umano niya itong hindi nakikita. Sinabihan umano siya ni Kris na hindi muna makikita si Baby James hanggat hindi natatapos ang annulment case na inihain ng TV host-actress.

Bukod sa kahilingan na makita ang anak, pinalagan din ng sikat na professional basket player na si James ang plano ni Kris na alisin ang Yap sa apelido ng kanilang anak para maging Aquino na lamang ang bata.

No comments: