5.31.2009

Masaya ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos


Masaya pa rin ang bagong kasal na si Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos pagkaptaos nanag matahimik nilang kasal.

Ngayon ay may bago silang sitcom kung saan makakasama nila si Tessie Tomas at si Gladys Reyes.

Ito ang balita:

Bagay na bagay kay Judy Ann Santos ang pagiging Mrs. Agoncillo. Literal na naggo-glow ang bagong misis nang dumating sa presscon kahapon ng George and Cecil, ang balik-tambalan nila ng asawang si Ryan Agoncillo.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng aktres, nilang mag-asawa. Kaya tuloy biro sa aktres, mukhang araw-araw nadidiligan ang bagong misis.

“Meron po kaming malaking pader na ang pangalan ay Yohan,” sagot naman agad ni Judy Ann nang biruin tungkol sa pagiging blooming pagkatapos ng kasal nila ni Ryan pero pahabol ng aktres, “Pero may sarili po kaming paraan at locations.”

After ng kasal, wala naman daw silang masyadong adjustments bilang mag-asawa. “Matipid na kami ngayon, isang kotse na lang. May lambing pa rin pero diretsahan na kaming mag-usap.”

Sagot naman ni Ryan: “Ngayon isang bahay na lang ang inuuwian namin. Noon nagtatanong pa kung saang bahay kami tatambay. Madali namang mag-adjust.”

So far, after the wedding wala pa silang pinagtatalunan. Although aminado si Judy Ann kahit noon na ’pag nagi-English na si Ryan, hindi na siya sumasagot.

In fact, kahit sa wedding preparations nila, wala silang naging argumento. Si Judy Ann pa ang nagbuking na sila ng mommy Carol niya ang nagkaroon ng misunderstanding. Two months lang daw kasi ang preparations ng kasal.

Malaki rin ang pasasalamat ng aktres na napunta siya sa pamilya na tanggap ang buo niyang pagkatao – sa pamilya ni Ryan.

Panay din ang pasasalamat nila sa ABS-CBN at naintindihan ang gusto nilang kasal.

Sila pala mismo ang nag-set up ng mga cameras at saka nila ipinakita sa management dahil ayaw nilang maging circus ang kasalan na parang may nagdi-direk ng kung anong gagawin nila sa seremonya ng kasal pero gusto naman talaga raw nilang makita ito ng mga fans especially ng mga die hard fans na sobra ang pagmamahal kay Judy Ann.

In fairness, magandang lumabas ang coverage nila.

True na tinanggap nila ang ibinigay na bayad ng ABS-CBN. Pero sabi ni Ryan para sa sinisimulan nilang pamilya iyon na tama lang naman. “Hindi po namin nini-negosyo,” pahabol niya.

Eh paano kung sa buhay mag-asawa, si misis ang matapang at astigin, at si mister ang tahimik at sensitive?

Well, hindi sila magiging ganito sigurado in real life.

Pero babaliktad ang mundo mo sa pag-uumpisa ng naiibang romantic comedy series na pagbibidahan ng real-life couple sa panulat at direksyon ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes.

Kasama sa mga bumubuo ng cast ang mga respetadong artis­tang sina Tessie To­mas, Al Tantay, Malou de Guzman, at kilalang kontrabidang si Gladys Reyes na huling naka­sama ni Juday sa ’90s hit teleseryeng Mara Clara.

No comments: