5.15.2009

Mother ni Manny Pacquaio nagdebut at 60 years old


photocredit:inquirer.net

Manny Pacquiao could be commended for providing luxury for her mother Dionisia.



Star na star si Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang 60th birthday party sa General Santos City noong Biyernes.

Talagang siya ang Star of the Night. Feeling debutante talaga si Mommy Dionisia na hindi pala nakaranas ng debut party noong 18th birthday niya kaya ginastusan ni Manny ang kanyang 60th birthday.

May change costume ang Pambansang Madir. Tinupad ni Mommy Dionisia ang kanyang sinabi na iba’t ibang gown ang gagamitin, mga gown na binili niya sa kanyang unang biyahe sa Amerika.

Hindi na talaga maabot si Mommy Dionisia. Nagpa-facial siya at nag-check in sa hotel , ilang oras bago ginanap ang kanyang party. Take note, live ang coverage ng 24 Oras sa party ng madir ni Manny. Mula sa pagpapa-make-up hanggang sa dinner, nakatutok kay Mommy Dionisia ang mga TV camera ng Kapuso network.

Ganyan kasikat si Mommy Dionisia at para sa inyong impormasyon, nagre-rate ang lahat ng mga interbyu sa kanya.

No comments: