5.21.2009

WHERE IS HAYDEN KHO HIDING


There was a rumor that Hayden Kho has already flow out of the coop with Vicky Belo when
they went to Japan.

Here is the latest news about him:

Para sa kaalaman ng lahat, nandito na sa bansa si Hayden Kho. Hindi true ang tsismis na nagtago siya sa Japan.

Nag-conclude siguro ang ibang tao na nagtago sa Japan si Hayden dahil sa report noong isang linggo na magkasama silang nagpunta ni Dra. Vicki Belo sa Land of the Rising Sun.

Basta ang alam ko, walang plano si Hayden na umalis o takasan ang kanyang problema. Kumukunsulta na rin siya sa abogado para ipagtanggol ang sarili laban sa mga bintang at reklamo sa kanya.

Pinagpipistahan ang sex video scandal nina Hayden at Katrina Halili pero sure ako na lilipas din ito, lalo na kapag natabunan ng mas malaking isyu.

Aalis si Mama Vicki sa susunod na linggo. Kasama niya ang kanyang anak na si Cristalle.

May hold-departure order man o wala si Hayden, hindi siya talaga kasama sa biyahe. Mag-isa niyang haharapin ang kanyang problema dahil may kasalanan siya. May nagsabi sa akin na pinagsisisihan na ni Hayden ang kanyang ginawa. Sana nga lang, hindi pa huli ang lahat at sana, talagang natuto na siya ng leksyon.

No comments: