5.22.2009

RICHARD GUTIERREZ NAAKSIDENTE


Richard Gutierrez almost lost his life in an accident in Tagaytay road. His PA died while another bodyguard was hospitalized.

This is the news:

Naaksidente ang sasakyan ng aktor na si Richard Gutierrez bandang ala-una ng madaling-araw ngayon, ika-22 ng Mayo, sa Santa Rosa-Tagaytay Road, Puting Kahoy Village, sa Silang, Cavite.



Ayon sa panayam ng dzBB kay PO1 Bonifacio Tañola of Cavite Police, namatay ang kasama ni Richard na isinugod sa Adventist University Hospital. Habang ang 25-year-old na anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at ang kanyang bodyguard, na kinilalang si George Mustura, ay parehong nagtamo ng sugat at dinala sa Tagaytay Medical Center.



“Bale bumangga po sa poste, malalim ang lugar na binagsakan niya. Medyo may bangin at bumangga sa puno ng niyog," ang sabi ni Tañola sa dzBB radio.



Sa report naman ng dwIZ, ang assistant ni Richard ay pinangalanang Nomar Prado.



Samantala, ilan pang impormasyon ang umabot sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text message. Ang source ay isang taga-industriya. Ayon sa text message, "Si Richard yung nagda-drive...[Nissan] Skyline na sports car...Tumalsik yung kasama niya di pa nila nakita sa sobrang lakas ng talsik 'tapos nung nakita nila patay na..."



Idinagdag pa niya na hiniram lang daw ni Richard si Nomar, ang PA, kay Raymond. Matagal nang naninilbihan si Nomar sa pamilya Gutierrez. Noong nasa States pa ang mga Gutierrezes, kasa-kasama na raw ito bilang alalay kay Eddie, ang padre de pamilya ng mga Gutierrez.



Sa ngayon, nasa Asian Hospital raw si Richard. Nag-a-undergo ito ngayon ng CT scan, isang proseso na tumitiyak kung walang dapat ipangamba sa ulo ng isang pasyente.



Ayon sa isa pang source na tiga-industriya rin, sinabi raw ng GMA-7 CEO na si Atty. Felipe Gozon na sasagutin ng GMA-7 ang lahat ng expenses sa naturang aksidente: ang pagpapa-ospital ng mga naaksidente at ang pagpapalibing ng PA na namatay.



Nang nangyari ang aksidente, ang mga ito ay galing sa shooting para sa plug ng Full House, isang adaptation ng isang Koreanovela, na siyang bagong teleserye ni Richard. Sinasabing ang Zorro ay magtatapos bandang Hulyo.

No comments: