6.01.2009

ABNER AFUANG, SASAMPAHAN NG KASO




Sa nangyaring pagbubuhos ng tubig ni Abner Afuang kay Hayden Kho noong imbestigasyon sa Senado, magdedemand ang kampo ni Hayden Kho laban sa dating mayor ny Pagsanjan Laguna.

Ito ang balita:

Nakakuha ng impormasyon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na magsasampa diumano ng reklamong slander by deed ang kampo ni Dr. Hayden Kho laban sa dating mayor ng Pagsanjan, Laguna, at dating Manila police officer na si Abner Afuang. Ayon sa legal counsel ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan, ihahain nila ang reklamo bukas, June 2, sa Pasay City prosecutor's office.


Ayon sa batasnatin.com, ang slander by deed ay: "The performance of any act which shall cast dishonor, discredit or contempt upon another person."



Sa panayam ng GMA News kay Afuang, binuhusan niya ng tubig si Hayden dahil naaalala raw niya ang anak niyang babae, na isang nurse sa U.S. at kamukhang-kamukha raw ni Katrina Halili. Ang aktres ang isa sa mga babaeng kasama ni Hayden sa sex videos niya. Kaugnay nito, pinabulaanan naman ni Atty. Kapunan ang report na sasampahan nila ng kasong libel ang dating talent manager ni Hayden na si Lolit Solis.



Naku malaking pagkakamali yon pagdemanda kay Lolit Solis kung saka-sakali.

No comments: