7.17.2010

Gabby Concepcion umuwi na sa United States

 Ewan ko kung may babalikan pa si Gabby Concepcion sa US. Hindi pa rin maganda ang real estate business pero patapos na ang kontrata niya sa ABS CBN.


Balitang hindi rin kumita ang pelikula nila ni KC di lalo na pag gumawa sila ng pelikula ni Sharon Cuneta.

 Ito ang report ni Jojo Gabinete:

Narinig namin sa presscon ng Hating Kapatid ang balita na bumalik na si Gabby Concepcion sa Amerika. May pelikulang ginagawa si Gabby sa Regal Films kaya inisip namin na baka sandaling bakasyon ang dahilan ng pagpunta niya sa Amerika.

Year 2008 nang bumalik sa Pilipinas si Gabby mula sa labintatlong taon na paninirahan sa US. Nagsalita noon si Gabby na babalik na siya sa Amerika kapag natapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN kaya nagkaroon ng alingas­ngas na tutuparin niya ang sinabi nang magkaroon sila ng problema ni Mrs. Rose Flaminiano.

Si Mommy Rose ang dating manager ni Gabby at siya ang tumulong sa aktor para makauwi ito ng Pilipinas.

No comments: