7.06.2010

Claudine'a diet

 Biglang payat si Claudine Barreto. Hindi na kailangang iphotoshop ang kaniyang mga retrato. Ito ang kaniyang naging diet.



“Nag-pesco vegetarian na ulit ako. Actually, it supposed to be fish lang talaga. No chicken, no pork, no beef. Pero kapag Saturday and Sunday, nagtsi-chicken pa ko. But definitely no pork and beef,” kuwento ni Claudine sa kanyang pagpayat.

Hindi rin itinanggi ni Claudine na bukod sa pagiging pesco vegetarian niya, nagpabawas din daw siya ng boobs.


“Dalawang beses akong nagpa-breast reduction kaya magang-maga ako sa epidural. Nahihirapan ako.

Eh, ‘di ba, kapag nag-breastfeed ka, parang it takes two years para bumalik.”

Hindi raw siya nag-undergo ng liposuction ngayon, pero, hindi naman niya itinatanggi na na-experience na niya ang magpa-lipo noon.

“Pero nakakatawa nga, kasi noong namaga ako dahil sa allergy, may nag-isip na nagpa-lipo raw ako. Ang alam ko, wala naman yatang lipo sa mukha. Ang alam ko, neck, fingers, toes, face, hindi nala-lipo ‘yun.”

No comments: