7.04.2010

Bakit hindi sumipot si James Yap



 Akala ko pa naman pinagbawalan si James kaya di sumipot sa inauguration din ng bayaw niya. Pero mabuti na rin yon kasi maagawan ng eksena si Noynoy Aquino. Ito ang balita.

Sa inauguration ng bagong Pangulo ng Pilipinas na si President Noynoy Aquino noong June 30, marami ang nagtanong kung bakit wala si James Yap sa isa sa pinakaimportanteng okasyon sa buhay ng mga Aquino at ng bansa.

Prior to the inauguration, nakapagbitiw ng salita si James sa isang interview na darating siya. Walang makapagsabi noong araw na yun kung bakit "no-show" ang PBA player at mister ni Kris Aquino.
Ayon kay Kris, "Hindi ko naman siya pinagbawalan. Hindi na kami nagko-communicate. Baka naman inisip din niya, on his own, na huwag nang makadagdag sa gulo at ibigay ang araw na ito kay Noy."

Dugtong pa ni Kris, "Kahit hindi naging maganda ang ending namin, masasabi naman siguro ni James na naging mabuting bayaw sa kanya si Noy."

No comments: