5.25.2007

In this Corner of the Universe-Marjorie Barreto versus Dennis Padilla

Naku ha, ayaw ko ng balitang yan, Pagkatapos na sila ay magsama sa hirap noong nawalan ng programa si Dennis Padilla at pagsasama kahit sukdulang hindi nila batiin si Gretchen Barreto nang nag-alsa balutan sila sa bahay kung saan sila nakatira, saka sila magtatrial separation. Sampalin ninyo ako, sampalin ninyo ako.
Tsee, sasampalin nga ako.

Ito ang mga balita mga sugar, sweetie pies.

Marjorie Barretto and Dennis Padilla confirm ‘trial separation’

Noong panahon ng kampanya for the May 14 elections, naging maingat si Marjorie Barretto sa pagsagot ng mga tanong, kabilang na dito ang mga usapin tungkol sa kanyang pamilya.

Hanggang sa naproklama siya bilang konsehal ng Caloocan City noong May 23, walang naka-alam na may problema pala sa pagsasama nila ng asawang si Dennis Padilla. Ito raw ang araw na umalis si Dennis sa kanilang tahanan at natulog sa apartment na inuupahan nila para maging headquarters ni Marjorie noong kampanya.


Pagkatapos ng Trial, anoh? anoh, anoh. Kulit ko ba?

April 13 nang una naming ma-interview si Marjorie habang naglilibot siya sa ilang barangay na kanyang nasasakupan para mangampanya. Hindi nakitaan ang aktres ng kahit anong senyales na nagkakalamat na pala ang relasyon nilang mag-asawa. Pulos tanong pa sa pagbabati ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine Barretto ang kanyang sinagot noon.

Ikinuwento rin ni Marjorie kung gaano kalaki ang adjustment ni Dennis lalo na nang pasukin niya ang pulitika. Oras-oras daw tumatawag ang kanyang asawa para i-check siya.

Ilang araw bago ang eleksiyon, pumutok ang balitang may karelasyon daw si Marjorie na isang politician. Ito raw ang rason kung bakit naghiwalay ang mag-asawa. Marami ang nag-isip na smear campaign lang ito laban sa kumakandidatong si Marjorie kaya't hindi masyadong pinansin ng media.


Kaintriga, sino kaya yong pulitikong yon?




Si Marjorie daw ang nanghingi ng space. Kailangan niya raw ito para ayusin ang kanyang pag-iisip para sa ilang mahahalagang bagay. Binibigyan din daw niya ng pagkakataon si Dennis para baguhin kung anuman ang naging mitsa ng kanilang hiwalayan.

Bakit ayaw rin niyang masikip katulad ni Maricel Soriano sa kanyang dialogue na "Ayaw ko ng masikip...(tulo luha) Argh


Iginiit din ng mag-asawa na walang third party na namamagitan sa kanila. Hindi rin daw totoo ang tsismis na may ibang karelasyon si Marjorie. Bagkus, sinabi ni Dennis na isang mabuting asawa at ina si Marjorie.
Magse-celebrate na raw dapat ng ika-sampung wedding anniversary ang dalawa sa darating na Nobyembre. May apat na anak sina Dennis at Marjorie—sina Daniella, 13; Julia, 10; Claudia, 7; at Leon, 2.


Wala ngang third party. Wala ring anniversary party.


,,,,

No comments: