5.16.2007

In this Corner of the Universe-Boy Abunda versus Kris Aquino?

Sabi ni Boy, hindi raw iiwan ni Kris Aquino ang the The Buzz. Paano naman si Ruffa Gutierrez?

Ito ang balita.

Boy Abunda: Kris Aquino will never leave 'The Buzz'

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host na si Boy Abunda sa set ng The Buzz noong Sunday, May 13. Hiningi namin ang kanyang reaksiyon sa iba't-ibang issues concerning his talent and co-host sa The Buzz na si Kris Aquino.

Totoo nga ba na hindi na babalik sa The Buzz si Kris? Sinabi kasi ni Kris na isa sa kanyang mga palabas o programa sa ABS-CBN ang hindi na niya babalikan. Maraming espekulasyon na ang The Buzz ang tinutukoy ni Kris, bagama't wala pa namang definite na pahayag pa ang kabiyak ni James Yap. Ang iba pang shows ni Kris ay Pilipinas Game KNB?, na hinu-host ngayon ni Edu Manzano, at ang magbabalik na Kapamilya Deal Or No Deal.

"Hindi ako naniniwala kasi hindi niya ako matitiis," paunang pahayag ni Boy. "Hindi naman categorically sinabi ni Kris na The Buzz ang hindi niya babalikan. Hindi ko alam kung aling show ang sinasabi niyang hindi na niya babalikan. Ayokong mag-speculate, pero sigurado akong hindi niya ako matitiis iwanan sa The Buzz."

Gusto raw kasi ni Kris na gawing family day ang Sunday kaya raw pinag-iisipan na nito na iwan ang showbiz talk show ng ABS-CBN. Pero sabi ni Boy, puwede pa rin naman maging family day ni Kris ang Sunday. Kailangan lang niyang mamili kung anong time of the day on a Sunday gustong makasama ni Kris ang kanyang family—before or after the show.

"Pero naiintindihan ko ang point na iyan ni Kris. When I was in GMA-7 before, I was also doing a Sunday show for the longest time. Hindi ko na natagalan kaya I quit. Naiintindihan ko si Kris because she has a baby. But Kris has this special talent to balance her life. Naniniwala pa rin ako na kaya niyang maging pamilyadong ina at hindi niya kayang iwanan ako sa The Buzz," sabi ni Boy.

Isa sa itinuturong dahilan kung sakaling mag-decide si Kris na iwan ang The Buzz ay ang tampuhan nila ng kasamahan din nila sa programa na si Cristy Fermin, na nag-ugat sa pagkakaugnay noon ng asawa ni Kris na si James Yap kay Hope Centeno. Masama pa rin daw ang loob ni Kris kay Cristy.

"Hindi ko alam iyan, pero sana maayos kung anuman ang problema nilang dalawa. Ayokong panghimasukan 'yan. Dasal ng isang kaibigan talaga, kung anuman 'yan, sana magkaayos," sabi ni Boy.

Hindi ba siya gumawa ng paraan para magkaayos sina Kris at Cristy, na parehong malapit sa kanya?

Ayon kay Boy, "Nasanay ako sa kanilang dalawa na nagbabangayan ngayon, may diskusyon, may argumento. Bukas, nagtatawanan. Nasanay ako ng ganoon. Kaya noong napabalita 'yan, sabi ko maaayos 'yan. Mahal na mahal naman nila ang isa't-isa."

Kung sakaling magkatotoo ang espekulasyon na hindi babalik si Kris sa The Buzz, handa ba si Boy dito?

"Oo naman," sagot niya. "You are never ready for things like that. Ang tanong, kakayanin ko ba? Siyempre naman kakayanin. Kakayanin pero malulungkot ako. That's the word—malulungkot ako."

Sabi naman namin, The Buzz will never be the same again without Kris.

"Your line, not mine," sagot naman ni Kuya Boy. "We will survive. We will survive. It's not it will never be the same. It's always fun to be with her."
-


,,,,,,,

No comments: