5.27.2007

In This Corner of the Universe-Claudine Barreto's baby

Ito ay para sa mga tagahanga ni Claudine Barreto.

Pagkatapos nang pagdating at pagbinyag ng isang celebrity baby, may isa pang celebrity ang hinihintay ng fans ng kaniyang mommy. Si SANINO BARRETO SANTIAGO, ang magiging anak nina Raymart Santiago at Claudine Barreto na inaasahang ipapanganak ng buwang July.

Noong May 26, ay nagkaroon na ng baby shower sa Richmond Hotel.



Ito ang balita galing sa PEP.

Masayang masaya ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto nang dumating sa kanilang baby shower sa Richmond Hotel kahapon, May 26. Medyo nadagdagan ang timbang ni Claudine, pero kitang-kita pa rin ang kaganadahan niya.



Punumpuno ng mga kaibigan at malalapit na kamag-anak ang venue, lahat excited sa pagdating ng kanilang panganay na lalaki.



Rodrigo Santino ang napili ng mag-asawa para ipangalan sa kanilang unico hijo.



"Santino, di ba, is little Martin? Raymart kasi is Raymond Martin, kaya parang little Raymart. At saka parang santo, di ba? ‘Yong Rodrigo naman parang bruskong-brusko, parang action star. Maganda ang blend, santo na action star," pagmamalaki ni Claudine.



Ipinakita pa ng mag-asawa ang 4D images ng kanilang baby. Hawig daw ang ilong ni Baby Santino sa kanyang ama. Mata naman ang maaaring makuha niya sa kanyang magandang ina.



"'Yong paa parang kay Raymart!" natatawang ikinuwento ni Claudine. "Kasi medyo malapad. At saka mahaba siya, mahaba ‘yong baby, di tulad naming mag-asawa."



Maaaring maging ka-birthday ng mag-asawa ang bago nilang baby. July 20 ang kaarawan nilang dalawa at nasa mga araw na 'yon ang due date ni Claudine.



"July 19 pa lang maglalakad na ako, para July 20 siguradong mag-labor na ako," pagbibiro ng drama star.



Malaki rin ang posibilidad na normal ang delivery ni Claudine, pero gusto raw ni Raymart ay caesarean section manganak ang asawa para siguradong July 20 raw ang labas ng baby. Ayon sa ninong ng mag-asawa at OB-Gyne ni Claudine na si Dr. Greg Pastorfide, pipilitin daw nilang maging normal ang panganganak ng aktres.



Uma-attend din ng birth aid training ang mag-asawa. "Parang Lamaze pero hindi naman, para lang maturuan ng tamang breathing ‘yong babae at saka kung paano makatulong ang mister," kuwento ni Raymart.



Handa na rin daw at excited ang kanilang adopted daughter na si Sabina sa pagdating ng bunso niyang kapatid. Pero hindi raw maiwasan na mag-demand ito ng pansin ngayon. Madalas daw nagpapakarga si Sab kay Claudine.



Unti-unti na raw nilang pinaghahandaan ng mag-asawa ang nursery ng kanilang bagong baby. Nagdisenyo raw si Raymart, sa tulong ng isang kaibigang furniture designer, ng isang espesyal na crib na gawa sa kahoy.



"Convertible ang crib. Pwedeng mag-rock, puwedeng naka-steady lang at puwede ring alisin ang nasa gitna para kargahin," sabi ng proud daddy
.



,,,,

No comments: