2.01.2012

Gabby ayaw nang makasama si Sharon sa pelikula?



Hindi na raw matutuloy ang pelikula nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Ang ibinigay na dahilan ay dahil manganganak ang asawa ni Gabby. Babaw naman na dahilan yon.


Ito ang balita: 
Baka nga naman talagang iniiwasan ni Gabby Con­cepcion na makasama si Sharon Cuneta lalo na sa isang pelikula o serye na magbabalik alaala sa kanilang nakaraan, kaya pabayaan na natin siya. Baka naman pino-protektahan lamang niya ang relasyon nila ng misis niya na buntis ngayon. Baka nga naman pagsimulan ito ng hindi maganda kaya pabayaan na lamang nating maging magkaibigan sila ni Mega at paminsan-minsan ay magkasama sa mga proyekto pero ‘yung magtambal pa sila ay huwag na lang muna.
Siguro naman ay maiintindhan na ito ni Mega.

No comments: