7.18.2009

Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz, hiwalay na?

image:ruffa_gutierrez
One newspaper said that the relationship of Ruffa Gutierrez and John Lloyd Cruz is getting stronger but this news said otherwise.



Hindi man umamin, balitang split na sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez. According to our reliable source, mutual ang desisyon nina Ruffa at John Lloyd na i-end na ang relasyong ‘di naman nila inamin.

“Pressure perhaps? Kasi marami ang may ayaw especially the fans. So they’d rather call it quits,” sabi ng aming kausap.

Kung totoo ito, hindi biro ang sakripisyong ginawa nina Ruffa at John Lloyd. Na kahit nagmamahalan, kailangan nilang tapusin ang isang pagmamahalan na marami ang may disgusto.

Nakakaawa rin si John Lloyd dahil kailangang aprubado ng publiko ang sinumang magiging karelasyon niya. Kung tutuusin, noong sila pa ni Liz Uy, madaling natanggap ng publiko. But this one with Ruffa, hysterical ang reaction ng tao, lalo na ang kanyang mga tagahanga.


Ano nga ba?

No comments: