4.04.2009

MARIAN RIVERA ADMITSTHE LOW RATING OF HER THIRD TELESERYE


At last Marian Rivera realized that she is no longer number one despite the publicity after negative articles about her attitude srufaced in tabloidsand celebrity columns.

T
anggap ni Marian Rivera na hindi number one sa primetime ratings ang pangatlong teleserye nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (ABHSAT). Hindi naman nawawala sa top three ng Mega Manila ratings ng AGB at TNS ang kanilang teleserye, kasama ang dalawa pang nangungunang shows ng GMA-7, ang Totoy Bato at Zorro.



Marami kasi ang nag-e-expect na dahil sa parehong number one sa ratings ang nauna nilang mga teleserye na Marimar at Dyesebel ay dapat number one din ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ano ang masasabi ni Marian dito?



"Sa mga ganung bagay, ako kasi sa sarili ko, gumagawa ako ng soap dahil ini-enjoy ko siya. Thank you sa GMA at may another project na naman ako. At ini-enjoy ko kasama ko si Dong dito, kasama ko si Direk Joyce [Bernal]. So, para sa akin, importante lahat ng nangyayari sa akin.

Lagi ko ngang sinasabi na tanggapin mo yung katotohanan na not all the time number one ako. Not all the time number one yung show ko. Kailangan matuto kang i-accept yun," pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press visit sa set ng GMA-7 teleserye last Friday, April 3, sa New Manila area.



Dagdag niya, "Hindi naman porke't ito sinasabi nila na hindi kagandahan ang ratings, okay lang. At least, nae-explore namin ang kakayahan namin, nag-e-experiment ang GMA, nahahasa ang pagka-mature ko. Kaysa naman sa tweetums lang ako lagi, parang hindi ako nagma-mature.

No comments: