2.08.2007

In This Corner of the Universe: Gretchen Barreto versus Angeli Pangilinan

gretchen barreto at celebritiescorner Nang tinanong daw siya tungkol kay Angeli, sagot ni Gretchen Barreto ay SINOSIYA? Taray noh?

Talagang humahataw si La Greta sa pakikipag-away sa kaniyang mga kabarangay sa show business. Intriga talaga ang kaniyang almusal, tanghalian at hapunan. Di pa kasama diyan ang meryenda.

Akala ko ba ayaw na niya ang away.


Panoorin ninyo itong youtube kung saan siya ay iniinterview ng kaniyang manager na si Boy Abunda.


Pagkatapos ng away niya kay Lani Mercado na asawa ni Bong Revilla, at ang iringan nila ni Dawn Zulueta tungkol sa microwave at sangkatutak na signature dresses (huwag mong isnabin, asawa rin ng lahi ng mayayayaman ang mga Floriendo si Dawn) si Angeli Pangilinan naman ang kaniyang kaaway ngayon.

At bakit ba sila nagkaroon giyera eh peaceful naman daw ito si Angeline? Ganito yon mga kabalens at kababaryo.

Nagtext si Angeli para pakiusapan si Gretchen na humingi ng tawad kay Lani dahil sa nagawang gulo nang pagbubunyag sa anak ni Bong Revilla at mga patutsadahan ng sinong kasal at sinong hindi. Ahay pag hindi ka naman talaga nagkaroon nang maraming crow's feet sa mga taartits na ito.(sabay masahe sa paligid ng mata). Umph.

Tuloy ang cheesemix. Nagalit ang Gretchen at nagtext back daw na pinarunggitan ko sino ang mang-aagaw. Eh alam naman ng lahat na si Gary V ay boyfried ng kapatid na bata ni Angeli noong siya ay mabuntis at mapakasal kay Gary. Gulo ng love story noh?

Despite sa mga sinabi ni La Greta, mahal pa rin ni Angeli ito dahil sa kanilang pinagsamahan. Kaya ba sinabi ni Lolit Solis na plastic si Angeli. Hawhawhaw talagang malolokee akee.

Yon yon.

Sa muling cheesemisan.

,,,,,

No comments: