2.23.2007

In this Corner of the Universe-Cristy Fermin versus Kris Aquino


Ay mga katsismisan at kagantsilyuhan (naggantsilyo ako habang nagbabasa para di masayang ang oras ko anoh, pag ang kaibigan mo mismo ang magsusulat tungkol saiyo in the guise of "concerned" kuno ekek, ay, burahin mo na siya sa listahan ng iyong mga good friends at ilagay mo sa listahan mong mga friends na may pakpak. Anong ibig sabihin ng kaibigang may pakpak? Eh di yong pag nasa ilalim ka ay lilipad sila para dumapo sa tae ng kalabaw na nakadagan saiyo. Tsee.

Siya raw iniisnub dahil sa sinabi niya ang sikreto na matagal na niyang alam.
Naku ha, kung kaibigan ka talaga, pag nalaman mo yon, dali sabi mo para hindi umabot na ang kalansay sa aparador ay lumabas at kumanta.

Ito ang panig ni Cristy Fermin.



Nagsimula raw ang away ng magkaibigan at co-hosts nang isinawalat ni Cristy ang lahat ng alam niya tungkol diumano sa babae ni James na si Hope. Isang dating trabahador sa Belo Medical Group si Hope, na siya raw mismong lumapit kay Cristy para ikuwento ang relasyon nila in James as early as January this year.

Diumano, mahigit sampung buwan tumagal ang relasyon nina James at Hope at sa mismong Belo clinic nila ginagawa ang kanilang pagniniig. Si Hope daw ang "pumupuno ng pagkukulang" ni Kris kay James sa kama.


Kahit alam na ito ni Cristy, hindi niya ito ikinuwento kahit kanino o isinulat sa mga kolum niya sa mga tablolids. Naghintay raw siya ng "tamang pagkakataon" para maikuwento niya ang lahat-lahat kay Kris. Ayon kay Cristy, inalala niya ang kaibigan pero inisip raw niya ang kalusugan ni Kris dahil nagdadalang-tao ito sa unang anak nila ni James.

Nang sumunod na Linggo, February 11, sa birthday presentation ni Kris, unang napansin ang panlalamig nito sa kaniyang asawa. Dito na rin nagsimulang hindi pansinin ni Kris si Cristy.



Pinalampas diumano ito ni Cristy dahil kilala niya ang kaniyang kaibigan at inisip na nagtatampo lang ito sa kanya. Noong nakaraang Linggo, February 18, hindi pa rin siya pinansin ni Kris at harapan siyang dini-deadma at kay Boy lang nakikipag-usap kahit tatlo sila sa frame.



Hindi na natiis ni Cristy ang pangdi-deadma ni Kris, na kaniyang itinuturing raw na kaibigan, kung kaya't isinulat na niya ang kaniyang isinasaloob sa columns niya sa Bulgar at sa Balita kahapon, February 22.



May mga isisiwalat pa raw si Cristy tungkol dito sa mga darating na araw. Hindi rin daw niya masagot kung magkakaayos pa sila ni Kris dahil sa ginawa nito sa kaniya.





Kahit na ano pa ang sabihin niya, sumasakay pa rin siya sa iskandalo. Uhmm. Makapaggantsilyo na nga ulit.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

,,,,,,,

1 comment:

Kiwipinay said...

hokey ah... bigla akong na-update sa mga celebrities. ahhahaha!!

ache, bakit naggagantsilyo ka na lang? di na knitting? hahahaha!!!