2.23.2007

In this Corner of the Universe, Hope versus Fans of Kris

HAHAHAHAHAHAHAHA. Ay sorry mga kafatid sa pakikinig at pagbabasa ng mga katsisimisan pero hindi ako nakapigil nang sabihin ni HOPE na, "Wala po talaga akong balak na sirain [ang pamilya nila]. Sa akin lang, hindi ko sinisira. Nung pinasok ko ‘yon, alam ko kung saan ako.

EH BAKIT SIYA NAGKUKUMPISAL KAY LOLIT SOLIS?
hope-jamesyap
piclooted from retz.

Tirintasin ko kaya ang buhok niya at pagamitin ko ng shampoong ginagamit ni Kwris?

Ipinakita si Hope na nakatalikod sa camera sa video sa 24 Oras. Ganda ng likod at ng mga daliri

Hope said that she didn't know about James's marriage to the TV host-actress.

Wala siguro siyang TV sa bahay ? (Igkas kilay ko)

According to her, she was the last to know.

Akala ko ang asawa ang huling nakakaalam.( Baba muna ang kilay, medyo ngawit).

"Sa mga sumusubaybay po kay Miss Kris Aquino at kay James Yap, sana po ‘wag n'yo akong husgahan. ‘Wag kayong magalit sa akin kasi tao lang po ako. Babae lang din ako na na-in-love."

Ang theme song pala niya ay Sapagkat Kami ay Tao Lamang. Nakakaiyak. (Pahiram nga ng panyo).


Ngayong hapon, habang ako ay naggagantsilyo at naghahanap ng magandang programa sa TV kasama ang pagsinghot at pagpahid ng Vicks sa aking baradong ilong.

Teka, teka, biglang natigil ang pagpindot ko ng remote. Nakita ko sa screen ang confrontation of mistresses. Ay ani ba ini? Para bang Kris at Hope kaya lang programa pala yon ni Jerry Springer na hindi ko pinanood (Kung di lang ako naliligaw)kasi talaga namang bulgaran doon anoh. Sabunutan at sampalan ang asawa at ang mistress. Hinarap ni misis ang asawa at inumbag. Arayy.

Tinanong ni Springer ang mister kung bakit siya ay nagtaksil-taksil-taksil-taksil
*heh* hintuan mo yan....(mali-mali po ako).

Sagot ng mister...kasi raw ay tinutukso siya. Ahaa. kasalanan ngayon ng babae. Kung ayaw niya, hindi siya magpapatukso. Isa pa meron daw silang nagagawa sa mga babaeng ganito na hindi nila magawa sa kanilang asawa.

Hint* hint*hint.

Ewan ko ba. Sandali lang at ako ay maghihilamos ng holy water. Masyadong nagkasala ang aking mga mata. Ahek.
,,,,,,,

1 comment:

jodelle said...

Kaawa-awa talaga si Kris....pero ito lang ang masasabi ko sa isyung ito: Meron talagang "KARMA", at malamang siya ay na karma ni Alma Moreno at higit sa lahat sa pagiging isang swa-ill na anak ni Cory. Hindi basta basta ang problemang ibinigay ni Kris sa kanyang Nanay, at kung ano-ano na lang eskandalo ang pinapasokan niya. she deserves it...and i hope she will learn a lesson from what she have done.