2.24.2007

In this Corner of the Universe, Hope versus Lolit Solis

Mga Manay, ito ang interview kay Hope. Courtesy ni retz na isa ring tsismoso.
Sabi ni Joey, gumawa raw ng opinyon. Kasi open siguro kaya yon.


Lolit Solis: Kailan naging kayo?
Hope: march 2006

Naging kayo nga kaya o siya lang? (Huwag ninyo akong pansinin. Kunwari lamok lang ako na aali-aligid).



Lolit Solis: kailan kayo huling nagusap?
Hope: january 15, 2007
Lolit Solis: So almost 11 months din kayo
pano kayo nakakalabas.

Di sa pinto. ehek. Paano sila makakalabas eh, kilala si James na asawa ni Kris. Kaya pag may ibang babae siyang makakasama ay magigiba ang langit sa sabay-sabay na pag-igkas ng mga kilay nang makakakita. Umph.

Hope: nanagyari lang sa loob ng opisina
Lolit Solis: hindi alam? o wala bang nakaka-alam?

Sabi ni Fortun, isinasara raw ang opisina pag wala na ang lahat.
Saan kaya sila nagtatago? Makakapagtago ba si James?
Hindi naman pala siya facialist kung hindi receptionist, paano siya makakatagal sa loob ng cubicle kung saan ginagawa ang facial?


Hope: may nakaka-alam
si elise si mitos

Lolit Solis: Nakausap ko si Elise at sabi nya ilusyon nya lang iyon fatal attraction mo lang yon
Hope: alam nya kung ano nangyayari sa amin dahil nagpapakwento siya pagkatapos.

Mayroon akong kakilalang nars, na nakausap lang ng doctor na crush niya, nagsimula ng magkuwento na sila na ring dalawa at ginagawa raw nila sa kuwarto ng pasyente....hanggang....

Lolit Solis: Tuwing kailan kayo nagkikita?
Hope: every week every monday
Lolit: Eh pano yung Tuesday, Wednesday, Thursday at yung ibang araw?
Hope: puro text at puro tawag lang.

Monday girl pala siya. Sa mga umiibig, hindi sapat ang isang araw. Ahahay. Ang tumingin sa akin ng may suspetsa, isusumpa kong maging palaka.

Lolit: Hindi ba nalalamanni Kris?
Hope: hindi nagbabasa ng messages nya, wala silang pakialaman ng messages sa cellphone
minsan katabi nya si Kris, sinasabi nya…

Uhhm, if I know, kaya sila nagkahiwalay niya Joey dahil sa nakita niyang mga messages ng babae sa cell phone ni Joey.

Lolit: nafeel mo bang nain-love sa iyo si james
Hope: oo naman po, nainlove din po ako sa kanya
Yun lang siguro ang pagkakamali ko na nagmahal din ako.

Kapag ang lalaki ay kuntento lang sa isang araw na makita ka. Hindi pag-ibig. Sabi nang pay tumingin sa akin ng may suspetsa, gagawin kong palaka sa pamamagitan ng aking magic wand.

Lolit: hindi ba nag-attempt na tumawag sa iyo si james
Hope: hindi po…

Ah talagang walang pag-ibig. Kasi ang pag-ibig, harangan mo man ng sibat, tatawag at tatawag yan kahit gumamit ng ibang phone card.


Lolit: halimbawa tumawag siya sa iyo handa ka ba? mahal mo pa ba siya
Hope: opo

Lolit: hindi mo siya tinatawagan
Hope: hindi po, nung nalaman na at naglabasan na ang mga blind items hindi na po ako nagtetext o tumatawag sa kanya.
hindi ka buntis?
hindi po.

Akala ko ba siya ang lumapit kay Cristy Fermin?



Lolit: Kung may message kang sasabihin kay Kris.
Hope: lalaki yan hindi basta basta umaamin
may proweba ako na magpapatunay na hindi ako ang naghahabol sa kanya…

Hope’s message to James Yap:
kay james sana uhm hindi nya ako basta binalewala na lang.

Ahaa, motive your honor. Ang sakkeet baby pag ikaw ay hindi ipinakilaban at iiwanan na lang dahil miyembro siya ng TAKOSA. (Takot sa Asawa)

Lolit: May galit ka ba nung mapanood mo siya sa kabilang istasyon at humihingi ng pagpapatawad?
Hope: Naawa ako sa kanya para siyang robot
Lolit: Bakit?
Hope: lalaki siya alam mo na ang mga consequences dapat umpisa pa lang alam na nya ang mga mangyayari
Lolit: May ipinangako ba siya sa iyo?
Hope: wala siyang pangako.

Ah wala talaga. Ang lalaking naghahabol, ipapangako ang buwan kahit ito ay napuntahan na ng astronaut, ang araw, kahit na ito ay nagtatago sa gabi at ang langit...

Hope: hindi ko alam na mag-asawa na sila ni Kris nung nagtetext sakin si James

Hope’s message to Kris Aquino:
ang sa akin lang hindi ko sinisira
nung pinasok ko yun alam ko kung nasaan ako
at hindi ako naghahangad pangako.
hindi din ako pumayag magpainterview
ni-piso wala akong hiningi kay james
sana po wag nyo po akong husgahan
tao lang babae lang na nainlove.

Eh ano ito? confession sa pari? Ahahay, pigilan ninyo ako, pigilan ninyo ako.
Kukuha lang ako ng tubig. Bigla akong nauhaw.



at naiwang magisa nakawawa

Joey de Leon: Tinatanggap po namin ang lahat ng reaksyon o opinyon sa isyung ito, kaya Kayo na po humusga…

What are Hope’s motives?
Startalk’s Interview with Hope’s former coworkers

Elis: ako ang facialist nya that time, pumupunta siya dito si Hope kasi ang humahawak ng schedules other than that…may asawa rin ako at alam ko masakit yun kung papayagan ko ang may mangyayari sa kanila.

Ibig bang sabihin niyan, hindi siya ang nandoon sa kuwarto.

Nitos dela Cruz: sa tingin ko po walang nangyayari sa kanila dahil si James takot na takot kay Kris at ayaw nya iiwanan ko siya sa loob ng kwarto mag-isa, so walang talagang pagkakataon na silang dalawa lang.
Hindi kami papayag na maharass ang cliente, kaya’t may isang beses na feeling namin naharass ang kliente namin kinausap sila ng management.
Si Hope nagawol at yung isa nagresign nang tuluyan.

Akala ko ba nagresign si Hope, sabi ni Fortun? Bakit siya nagawol? Napagalitan?


Nice Pangan: matagal na kaibigan ni hope
alam ko po na crush nya si sir james
gusto nya ipaprint sa asawa ko dahil graphic artist ang asawa ko.

Kaya siya may retrato ni James sa kaniyang cell phone ?


Nice: kaya nasa akin ang pictures na yun
umabot pang nagpapalit ng schedule si hoipe

Ah, tigilan ninyo ako, tigilan ninyo ako. Klik.


Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

No comments: