2.25.2007

In this Corner of the Universe, Hope versus herself

Naku mga ateng, tingnan nga natin ang mga she said, they said para makita natin ang katotohanan.



Lolit: Bakit nung huli kong nakausap si Elise, ang sabi niya, "Huwag ka maniwala 'Nay Lolit, ilusyon niya lang ‘yon." Ikaw daw ang in love na in love kay James, stalker ka ni James, tsaka fatal attraction [sic] ka kay James.

Hope: Hindi po totoo ‘yon. In the first place po, alam ni Elise na hindi ko type si James at may asawa na siya. Kada punta dun ni James, alam niya [Elise] kung ano ang nangyayari sa amin dahil nagpapakuwento siya.

Akala ko ba sabi niya hindi nya alam na may-asawa siya kaya siya pumatol?

Ito.

Hope: Nung naging kayo [ni James], hindi pa buntis si Kris?
Hindi pa. Ano po kasi ‘yon, two weeks kaming magka-text na no'n ‘tsaka lumabas na ikinasal na sila.

Lolit: Nang malaman ni James na nawalan ka ng trabaho, hindi man lang ba siya nag-attempt na tawagan ka?
Hope :Hindi po.

Aba kung mahal talaga siya ng tao, gagawa at gagawa ng paraan para matulungan siya, kahit ibang tao ang patulungin. Lalo't ganito ang ugali raw niya.

Lolit: Sa pagkakakilala mo kay James, pursigido ba siya kung may gusto siyang gawin?
Hope : Oo, ‘pag gusto niya, gusto niya.

Bakit may sinabi siya na nagpilit makipagkita sa kanya. Ito.

Message kay James...
(Biglang nag-iba ng tono) Kay James, sana hindi niya ako basta binalewala. Tapos yun, nakipagkita siya sa akin, namimilit na magkita kami.



O diva, pag gusto ni James, kahit na hiwalayan pa siya ni Kristeta, siya pa rin ang kakampihan.

Lolit: Dun sa 10 months, wala siyang sinabing I love you?
Hope: Wala po.

Malabo. Kasi kahit labas ilong dapat ay masabing i love you.

Wala man lang siyang sinasabi sa ‘yo?
Yung pagte-text niya.



Lolit:Sa mga text niya, may mga ‘I love you'?
Hope: Wala, wala. Kasi ako naman, hindi ko naman na [ini-expect] na mag-'I love you' pa siya kasi alam ko namang may asawa siya. In the first place, alam ko kung saan ako lulugar. Hindi ako mag-e-expect ng ganun.

Kahit hindi siya nag-eexpect, lumalabas yon ng natural lalo pag may intimacy na.
Huwag ninyo akong tingnan nang ganyan. MAkuha kayo sa tingin.


Lolit: Kahit kayong dalawa, sa moment of intimacy n'yo, wala kayong ganun?
Hope: Wala po. Wala po kaming ganun.

Kung totoo mang may nangyari, may L talaga, pero hindi Love kung hindi LI...

Gising bata. Magbagong buhay ka na lang at itanim sa isip na ang hindi ukol ay hindi bubukol, kahit pukpukin. ehek.

Hope Centeno's love for James Yap, a Fatal Attraction ?
For the Love of Money

The Tragedies of the Rich and Famous
Kris, Take three
Kris Take 2
Kris-crossed
Ikakasal na si Kris Aquino
Meet the Parents-James Yap
Update on Nora Aunor and Kris Aquino
James Yap Who

,,,,,,,,

No comments: