3.27.2012

Sharon Cuneta nagsorry sa agatol sa mga twitter bashers


For the past few weeks, naging abala si Sharon Cuneta sa pakikipag-away sa mga twitter bashers na hinihinala niyang mga tagasunod ng kilala niyang artista. Ayon sa balita, naagayuhan si Sharon na hintuan na ang pakikipagalitan ng nakakasakit na mga salita para hini maapekuthan ang kanyang image.

Ito ang balita. 

Inaasahang titigil na si Sharon Cuneta sa pagpatol sa mga bashers niya dahil marami na ang nagpapayo sa kanya na tumigil na ito.

Pagkatapos niyang mapanood ang nakaraang episode ng Showbiz Inside Reports na nagtalakay sa mga haters at bashers sa Twitter at ilang social network sites, nag-tweet na si Sharon ng kanyang pananaw sa isyung ito.
Ayon sa Megastar: “If I have disappointed anyone by my having answered back, I apologize. But I stand by my actions and am sorry but nagpapakatotoo lang at lumalaban din pag sobra na ang pang-aapi sa amin ng anak ko. At least di ako nagpapa-cute na plastic!
“So sa mga tumatawag naman sa akin na plastic, ‘di ko na alam anong definition n’yo ng word na ‘yan kasi kahit ano pa ang gawin ko, eh iba kayo! Kaya I don’t mind na. There are more important things I care about, lots of things.
“Buhay ko at ibang taong nakilala ko ang magkukuwento ng kung anong klase akong tao, kung totoo man ako o hindi, hindi ang mga pintas nyo.

No comments: