3.01.2012

Nora Aunor, Balik Pinas, Balik Trabaho


Masasabak na naman sa trabaho si Nora Aunor sa pagbabalik niya sa Pilipinas matapos na binalak niyang magpaopera ng ka kaniyang boses.

Ito ang balita: 

Dumating na sa bansa ang Superstar na si Nora Aunor noong February 24 lulan ng PAL flight PR103 mula sa Los Angeles, California at sinalubong siya ng kanyang manager na si Boy Palma, ng TV5 at ng kanyang mga tagahanga si Nora sa NAIA 1.
Halos dalawang buwan nawala sa bansa ang Superstar dahil sa pagpapagamot ng kanyang lalamunan na nagkaroon ng problema bunga ng kanyang pinagdaanang cosmetic surgery sa Japan noon.
Sa pagbabalik-Pinas ng Superstar naibalita niya na hindi natuloy ang operasyong dapat sana’y kanyang pagdadaanan.

No comments: