3.05.2012

Anak ni Piolo Pascual ipinagtanggol ang ama


Masyado bang apektado ang popularidad ni Piolo na kailangan pati anak niya isama sa kontrobersiya ng kaniyang buhay?

Sa unang pagkakataon, nag paunlak ng isang panayam ang anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual sa latest issue ng StarStudio magazine. Inamin ni Inigo na nasasaktan siya sa kanyang mga naririnig tungkol sa kanyang ama.
Ayon sa binata, hindi daw siya nakikisaw-saw sa mga intrigang binabato sa kanyang ama dahil alam niya na mas lalala lamang ang sitwasyon. Aniya, dapat nang tigilan ang pagsasabi ng mga maling impormasyon tungkol sa kanyang ama. Purong kasinungalingan daw lahat ng mga akusasyon na ibinibintang ng mga tao. Ang gusto daw niyang babae para kay Piolo ay yung wala sa showbiz at kayang tanggapin siya at ang kanyang ama ng buong-buo.

No comments: