3.11.2012

Dolphy nagpapahinga lang sa bahay


May mga taong walang magawang nagpapakalat ng mga tsismis na para bang katuwaan lang. Isa na rito ang
pagkamatay daw ni ng batikang artistang si Doplhy. 
Ito ang balita: 
MANILA, Philippines - King of Comedy Dolphy is very much alive, contrary to the rumors that came out recently.
Kasalukuyan daw nasa bahay nito si Mang Dolphy at doon nagpapagaling taliwas sa napabalitang diumano’y namaalam na ang komedyante na kumalat noong Sabado, March 9.
Kinumpirma sa amin ni Nene Riego, columnist at PR lady ng mga Quizon, na maayos ang kalagayan ni Mang Dolphy at walang katotohanan ang malisyosong balita.
Makailang ulit nang napapabalita ang tungkol sa diumano’y pagpanaw ni Mang Dolphy sa dyaryo at telebisyon kaya hindi na daw sila nagulat sa pinakahuling naglabasan tungkol sa kalusugan ni Mang Dolphy.

No comments: