9.26.2011

Pops Fernandez, Gusto ng anak


Ayaw ba talagang mayboypren o wala talagang gustong maging girlpren siya? Ano kaya ang pakulong ito ni Pops Fernandez? May bagong concert na naman ba siya? 

LOVELESS pa rin si Pops Fernandez ngayon kaya kinantiyawan siya ng mga kaibigan na humanap ng bagong mamamahalin sa buhay na makakasama niya sa isang bubong.
Sa halip na sagutin na naghahanap nga siya pero walang makita ay isang nakagugulat na revelation ang kanyang sinabi.
“Naku! Mas gusto ko yatang magkaanak na lang ulit kaysa magkaroon ulit ng asawa! Ha! Ha! Ha! Ha!
“I can get married anytime naman, Pero yung magkaroon ng isa pang anak, yun muna siguro ang gusto ko. Both my boys (Robin and Ram) malalaki na sila and
they have their own lives now.
“Robin is enjoying his career as a TV host and performer. Si Ram naman he’s finishing school. Kaya wala na akong makasama na malalambing at maaalagaan ko.
“Kaya baby na lang muna sana bago ang asawa! Ha! Ha! Ha!” natatawang pahayag ni Pops.

No comments: