9.28.2011

Nora Aunor Smoking



 May punto ang nagsulat nitong artikulo tungkol kay Nora Aunor at retrato niyang naninigarilyo. Ang pagpili ng retratong gagamitin ay nasa sa pagpapasiya ng editor. Hindi pa nga ang photographer.


 Ito ang balita:
BAKIT si Nora Aunor ang sinisisi ng kung ano mang grupo na yon dahil sa litrato n’yang nagsisigarilyo siya? Hindi ba ang dapat batikusin ay yung magaling na photographer at mas magaling na editor na nagpasyang yun ang gamitin na cover ng magaling na magasin nila? Posible pa nga na walang malay si Guy na nakunan siya ng photographer na may hawak na sigarilyo.
Siguradong napakaraming kuha kay Guy ng magaling na photographer na yon at siguradong nakita ng magaling na editor na yon ang sangkatutak na kuha. At ayon sa paghuhusga ng mahusay na editor ang litratong yon ng Superstar ang pinakadramatiko at makakapagbenta ng libu-libong kopya ng magasin. Malamang ay wala siyang inisip na ibang puwedeng maging consequence ng pagpili n’ya ng litratong yon . At dahil sa kontrobersyang nilikha ng cover photo na yon, malamang ay mabebenta lahat ng kopya ng magasin. Baka nga biglang magpa-reprint pa ang kumpanya ng dagdag na kopya!

No comments: