9.30.2011

Nora Aunor Aaw nang bumalik sa Amerika?

Hindi nakakapagtaka kung ayaw nang bumalik ni Nora Aunor sa Amerika. Dito ay malaki ang kinikita niya at sunod niya ang luho sa buhay.

Ito ang balita.

KINUMPRIMA ng TV5 ang pagpirma ni Nora Aunor ng tatlong taon sa Kapatid Network tulad ng pagbalita ni Ate Guy mismo sa grand press launch ng mini-serye niya na “Sa Ngalan Ng Ina” na magsisimula na ngayong Oct. 3 pagkatapos ng “Will Time Big Time.” Sa TV5 lang daw kasi siya nakaramdam ng tunay na pagmamahal at respeto para sa isang contract star kaya willing siyang makatrabaho dito ng mahabang panahon.
Dahil dito lalong nagbubunyi ang mga Noranians ngayon dahil ang ibig lang sabihin nito ay mukhang for good na ulit ang pagbabalik ng idolo nila dito sa showbiz. Sinabi na rin ni Ate Guy na rito niya balak mag-celebrate ng Pasko at New Year kaya naman mukhang tinatabangan na nga ang Superstar na bumalik pa ng States kung saan naninirahan siya bilang isang ordinaryong tao lang.
Mukhang kailangan ngang mag-stay ni Guy rito for the Christmas season kasi kailangan niyang i-promote ang MMFF entry nila under Regal Films na “Hototay: Mano Po 7.” At next year naman ay nakatakdang ipalabas ang “El Presidente” na ginawa niya kasama si Gov. ER Ejercito.

No comments: