9.30.2011

Anne Curtis, naninigarilyo rin?

 photocredit
 Mainit pa ang balita tungkol sa larawan ni Nora Aunor na may hawak ng sigarilyo, eto na naman si Anne Curtis. 

 Matapos batikusin ang larawan ni Nora Aunor na may hawak na sigarilyo, ang cover photo naman ni Anne Curtis sa isa ring magazine cover ang pinuna ng Philippine Medical Association.

Gaya ng litrato ni Ate Guy na naging cover ng Yes! Magazine, may hawak ding sigarilyo si Anne sa larawan na naging pabalat ng Rogue magazine para sa kanilang October issue.

Sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel nitong Biyernes, inireklamo na hindi maganda ang naturang larawan ng mga artista ngayong panahon na pinaiigting ang kampanya kontra sa nakamamatay na bisyo.

“Gusto talaga namin na magkaroon ng smoke free Philippines. Kung pwede po sana iwasan na magpakita ng mga ganyang picture lalo na yuing mga models natin mga actors, actress," paliwanag sa Chika Minute sa GMA news 24 Oras ni Dra Elizabeth Ifurung-Gonzales, presidente ng Makati Medical Society

No comments: