11.17.2010

Zsa Zsa Padilla nag-aalala kay Dolphy

ZsaZsa, nag-aalala sa partner niyang si Dolphy dahil sa edad nito. Ito ang balita.

 
Isa sa mga sumuporta sa MMFF official launch si Zsa Zsa Padilla, na sa gitna ng excitement para sa pelikula ng partner niyang si Dolphy na “Father Jejemon,” bigla siyang napaiyak nang mapag-usapan si Pidol.

"Ang wish ko lang, we could spend Christmases together... He's okay, but, you know, he's 82 years old so... Sometimes you forget that about him because, in our hearts, siyempre katulad ko parang... sa maraming tao, parang frozen na siya as 'John' or as 'Kevin Cosme' of 'Home Along the Riles.' He has a very, very strong spirit," sabi ni Zsazsa.



Pero wala raw dapat ipag-alala ang fans sa ngayon. Plano pa raw ni Pidol na mag-world concert tour sa 2011.
"Meron nang mga nagtatanong for a US tour with the Quizon clan. So talagang 'Yes!' agad ako. Sabi ko na nga ba mag-concert ka pa sa Araneta Coliseum," dagdag ni Zsazsa.
Gusto lang ni Zsa Zsa na namnamin nilang pamilya ang pagkakataong buo sila sa palapit na holiday season.

No comments: