11.06.2010

Charice sa Never Been Kissed Episode ng Glee

 Nanonood ako ng Glee noong Nov 2. Akala ko nandoon na si Charice. Sa Nov 9 pa pala siya maggiguest sa episode na Never Been Kissed.

Ito ang balita.

Sa mga nag-aabang kay Charice Pempengco sa hit US TV series na Glee, magbabalik nga ito sa episode 6 ng Glee na may titulong “Never Been Kissed”.

Inabangan nga ang paglabas ni Charice sa pilot episode ng season 2 ng Glee last September 22.
Pinag-usapan nga ang kanyang paglabas doon ng lahat ng TV shows dito sa ating bansa at maging sa Hollywood.

Na-feature pa nga si Charice sa People magazine dahil sa pagganap niya bilang Sunshine Corazon.

Sa November 9 nga ipapalabas sa US ang episode 6 ng Glee. Makakasamang babalik ni Charice sa Glee ay si Dot Jones bilang si Coach Beiste at si Mark Salling bilang si Puck.

Ipapakilala naman ang love interest ni Kurt (played by Chrus Colfer) na si Blaine (played by Darren Kriss). At special guest din si Cheyenne Jackson bilang bagong vocal coach ng Vocal Adrenalin na kalaban ng New Directions.


Dahil sa paglabas nga ni Charice sa Glee, naging number 2 sa iTUnes Top 10 Downloaded Chart ang duet nila ni Lea Michele na Telephone.

Kelan lang din ay napanalunan ni Charice ang Icon of Tomorrow award ng J-14 Teen Magazine sa US via online voting. Tinalo nga ni Charice ang ibang nominees na sila Bella Thorne, Bridgit Mendler, Frankie Jonas, Greyson Chance at Cody Simpson.

No comments: