11.05.2010

Charice will be back in Glee; joins NBC Christmas Special in New York

 Galing talaga ni Charice. Habang ang ibang Pinay ay nagdudulot ng kahihiyan sa Pinas, siya naman ay patuloy na nagbibigay ng honor sa kaniyang kakayahan, Ito ang balita.


Kinumpirma ng Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco na magbabalik sa hit musical series na Glee ang karakter niyang si “Sunshine Corazon." Bukod dito, kasali rin siya sa gaganaping Christmas Special sa New York.


Sa exclusive interview ni entertainment reporter Nelson Canlas, excited na ibinalita ni Charice na makakasama siya sa Christmas Special na gagawin sa Rockefeller Center sa New York.

Ayon sa ulat, ang Rockefeller Christmas special ay nilalahukan ng mga sikat na mga personalidad sa music industry sa Amerika.



Pero pagdating sa Glee, ayaw munang sabihin ni Charice kung ano ang mangyayari at kung ano ang aabangan ng kanyang mga fans sa karakter niyang si Sunshine Corazon.

“But I’m not gonna say kung anong…kung kalian, kung ano ba ang mangyayari sa kanya, kung kalian ang labas niya. 'Di natin alam kung si Sunshine ba magkaka-boyfriend o magiging best friend ba sila ni Rachel," pahayag ni Charice sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “

2 comments:

Kulitan Ng Pinoy said...

Go go go Charice..I suggest "Oh Holy night" sakto makakasama niya si Mariah Carey dun..Tignan natin ang magiging reaction niya. Kasi ang pagkakaalam ko hirap na siyang kumanta eh. But anyway, I'm a big fan of Mariah..

cathy said...

talagang magaling si Charice. Yohooo.