11.18.2010

Nora Aunor Darating sa Pasko

 Ayon kay German Moreno, baka Pasko na dumating si Nora Aunor imbes na Nobyembre. Ito ang balita:


Malaking dagok sa career ng nag-iisang “Superstar” Nora Aunor ang pagkasira ng kanyang "Golden Voice,” dahil umano sa aberya ng pagpaparetoke niya sa Japan.

Pero desididong bumangon ang Superstar. Kinumpirma ng malapit na kaibigan na si German Moreno na babalik si Ate Guy bago mag-Pasko.

Nananabik na sasalubong kay Nora sa Pilipinas ang kanyang mga anak.

"Ang sarap ng feeling. Makakauwi na si Mommy, mayayakap ko na siya ulit," sabi ng anak ni Ate Guy na si Kenneth.

Labing-apat na taon pa lang ang bunso ni Nora na si Kenneth nang umalis ang ina.
"Kasi kami pa lang iyong talagang hindi pa nakikita in 6 years talaga," sabi naman ng isa pang anak at aktres na si Matet.
Pangako nila, sila naman ang mag-aalaga sa ina.
"Gusto ko'ng makita niya na iyong itsura ko ngayon, ang ganda-ganda ko na ulit. Gusto ko'ng ibalik sa kanya... gusto ko siya pagsilbihan," dagdag pa ni Matet.

Hindi pa tiyak kung ano ang tadhana ni Nora sa pagbabalik-bansa.



Pakiusap lang ng mga anak ni Nora, alalahanin din ng publiko ang dahilan kaya naging Superstar ang kanilang ina.
"Ang pag-arte din ng nanay ko, 'di naman natin makakalimutang lahat.  Walang makakagaya doon, wala. Walang makakatulad," sabi ni Matet.

Biro pa nila, kung magbabalik-show biz  si Nora, may trabaho na sila.
"Hawi boys (kami) ni Mommy. Body guards," sabi ng dalawang anak.
Nagsarado man ang isang pintuan, naniniwala ang pamilya ni Nora maraming bintana ng oportunidad ang magbubukas para sa Superstar

No comments: