9.03.2010

Kris Aquino at Junjun Binay

Pagkatapos ng ilang araw na walang intriga si Kris Aquino, siya ay nasa limelight na naman dahil sa balitang nakita siyang kasama ni Junjun Binay na nagsashopping.


Lumabas sa PEP Alerts kahapon, September 2, ang balita tungkol sa isang sighting na magkasama raw sina actress-TV host Kris Aquino at Makati City Mayor Junjun Binay sa Glorietta 4 noong Lunes ng gabi, August 30.

Ngayong gabi, September 3, naman ay ipinalabas sa showbiz talk show ng Q-11 na Tweetbiz ang exclusive cell phone video na kuha ni Tweetbiz paparazzo Danzen Santos na magpapatunay na totoo ang naiulat na sighting kina Kris at Mayor Junjun.

Ayon kay Danzen, nagkataong pagkababa niya ng kotse at papasok na siya ng Glorietta 4 nang mamataan niya sina Kris at Mayor Junjun sa labas ng mall malapit sa Tony Roma's restaurant. Kasama ni Kris ang mga anak niyang sina Joshua at Baby James. Habang si Mayor Junjun naman ay may kasamang katulong na may mga bitbit na shopping bags.



Kaagad daw inilabas ni Danzen ang kanyang cell phone para kunan ng video ang mga ito. Hindi naman alintana nina Kris kahit pa may mga taong kumukuha ng video at pictures nila.

No comments: