9.09.2010

CLaudine Barreto hindi pa sinasagot ang demand letter ni Angelica

 Itutuloy kaya ni Angelica Panganiban ang pagsampa ng kaso kay Claudine Barreto pag hindi nito binawi ang mga paratang niya sa dalaga?

Abangan.

Ito ang balita: 
Isang araw bago ang deadline, wala pa ring sagot ang kampo ni Claudine Barreto sa demand letter para bawiin niya ang mga paratang laban kay Angelica Panganiban.
Labimpitong taon mula nang magningning bilang child star, binabansagan si Angelica Panganiban na isa sa mga reyna ng Kapamilya Network.
Muling pumirma ng kontrata ang talented actress sa Star Cinema ng ABS-CBN.



“Medyo mahirap kasing mabigyan ng ganoong title. Ako masaya lang po ako dahil nga umabot ako ng ganito katagal sa industriya,” ani Angelica.
Ongoing ang shooting ng horror-comedy film ni Angelica na 'Bulong' kasama si Vhong Navarro.
May gagawin din siyang dream project kasama ang boyfriend na si Derek Ramsay.
No show naman ang nakakaalitan ni Angelica na si Claudine Barreto sa isang charity launch.
Sa Biyernes na ang itinakdang deadline ng kampo ni Angelica para sa retraction o pagbawi ni Claudine sa mga paratang niyang si Angelica ang nagkakalat na may karelasyon si Claudine.
Kung hindi magkasundo, korte na ang tuloy ng iringan ng dalawa. 

No comments: