9.04.2009

Mo Twister, dinare si Ruffa Mae Quinto

ruffa_mae_quinto

Ang tapang ni Mo Twister na "biruin" si Ruffa Mae Quinto na ang boyfriend nito ay si Mikey Arroyo.

Totoo kaya?

Ito ang balita.


Nagkakainitan na naman pala sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister dahil sa isinulat nito sa kanyang Twitter account na naniniwala siya na engaged si Rufa Mae kay Mikey Arroyo.
Na-hurt si Rufa Mae dahil naghamon pa raw ng pustahan si DJ Mo. Ang tanong, bakit nasabi o naisulat ni Mo na engaged si Rufa Mae kay Mikey? May ebidensiya ba siya?
Hindi ba naisip ni Mo na imposibleng magkaroon ng engagement ang dalawa dahil pamilyadong lalake si Mikey?
Paano kung mag-react si Angela, ang better-half ni Mikey? Ready ba si Mo na ipatawag siya sa MalacaƱang para i-justify niya ang kanyang ikinalat na balita?
Abangan natin bukas ang Showbiz Central. Tingnan natin kung magpapansinan sina Rufa Mae at Mo. Dati nang dinededma ni Rufa Mae si Mo dahil palagi raw siyang pinaglalaruan ng kanyang co-host.

No comments: