9.05.2009

Chavit Singson versus Che Tiongson

che_tiongson
Siguro naman by this time, alam na ng lahat na mayroon daw kaugnayan noon si Cogie Domingo kay Che Tiongson ang common-law wife ni Chavit Singson na nabalitang binugbog
dahil sa nahuling nagtataksil na naman kasama ang isang nabalitang taga ABS-CBN.

Ito ang balita:


Hindi naman pala ex-broadcaster sa ABS-CBN ang mhin na nakarelasyon ng live-in partner ni Papa Chavit Singson.



Nagtrabaho raw ang lalake sa ABS-CBN pero hindi siya broadcaster o whatever. Pahulaan pa ang name ng mhin na nagtago na raw dahil sa gulo na kanyang pinasok.
Nakakaloka rin ang lalakeng ito. Hindi ba niya alam na common-law wife ni Papa Chavit ang girl na kanyang pinatulan? Wala siyang takot ‘ha!

Teka, hindi ba alam ni Che na may asawa at anak ang lalake? Inamin ni Che na boyfriend niya ang lalake. Naisip ba niya ang magiging pakiramdam ng tunay na misis na wala yatang kaalam-alam sa extra-curricular activities ng kanyang mister?
Walang lihim na hindi nabubunyag, lalo na kung mainit at pinagpipistahan ang isyu. Darating ang araw na malalaman natin ang pangalan ng lalake na nahuli ni Papa Chavit na karelasyon ni Che. Hindi ko na siya maitatago sa pangalan na Tweety Bird.

No comments: