8.31.2009

Kasong Wilma Galvante versus Annabelle Rama walang urungan

annabelle_rama
Pramis ha, wala nang urungan talaga.

Ito ang balita:

Magtutuluy-tuloy na sa korte ang P7-million damage suit na isinampa ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Wilma Galvante laban sa talent manager na si Annabelle Rama. Ito ay matapos na hindi nagkaayos ang dalawang kampo sa ginanap na mediation hearing sa Quezon City Hall of Justice noong Biyernes, August 28.

Matatandaang isinampa ni Galvante ang civil case laban kay Rama noong March 17 sa Quezon City Regional Trial Court.

Tahimik na nagsampa ng kaso si Ms. Wilma sa Quezon City Regional Trial Court noong March 17. Sa kanyang 40-pages civil complaint, isinalaysay ng GMA executive ang mga pananakot diumano ni Annabelle sa kanya sa pamamagitan ng media interviews at text messages.

Hiniling ni Ms. Wilma sa korte na pigilan si Annabelle Rama sa pananakot sa kanya at maglabas ng restraining order para hindi makalapit si Rama, within 50 meters, alang-alang sa kaligtasan niya.


Mukhng tumhimik si Annabelle Rama. Ayaw makasuhan ulit?

No comments: