5.08.2012

Jaclyn Jose abusing Andi?



Is that the reason why Andi became pregnant at a young age--rebelling against her mom who is allegedly hurting her when she's drunk?

Here is the news: 

Matindi ang mensahe kahapon ng ina ni Albie Casino na si Rina laban kay Andi Eigenmann, na isinasangkot siya sa pambubugbog kay Albie.
Mabigat din ang rebelasyon ni Rina Casino laban sa ina ni Andi na si Jaclyn Jose.
“Ito alalahanin mo. Umiiyak ka sa akin about your mom na alcholic, na beating you up kapag nakakainom,” sabi ni Rina.
Agad naman itong itinanggi ni Jaclyn.
Katwiran ng aktres, hindi siya magtatagal sa industriya kung lasengga siya.
At kailanman, hindi raw niya binubugbog, kahit pitik, si Andi.
Lalo't hindi raw niya pinalaking sinungaling ang mga anak.
“I am not an alcoholic, been working in this business for a long time. Kung alcoholic ako, wala sana akong trabaho. Alam ng industry ang record ko how professional I am and hindi kailan man binugbog ang anak ko. Nu’ng nabuntis nga ni pitik ‘di ko nagawa. Pinalaki ko ang mga anak ko nang walang palo at mahusay na pakikipag-usap lang at lalong ‘di ko pinakalaking sinungaling ang mga anak ko,” sabi ni Jaclyn.


Imbes naman bumwelta nang mas matitinding salita ngayon si Andi, nagbigay na lamang ng makahulugang mensahe si Andi.
Naniniwala siyang lalabas din ang katotohanan.
“I know how much these people believe in God. If they believe in God as their Lord and as their Savior, they know that it’s going to be the right thing and it would be better for them to just tell the truth or just stop,” sabi ni Andi.
Nasabi na raw niya ang nais niyang sabihin sa interview niya noong Linggo sa “The Buzz.”
“’Di ko naman gusto na ipagsigawan sa buong mundo ‘yun eh. I just wanted to get the chance to be heard for once,” sabi ni Andi.
Sa kabila ng kontrobersya ngayon, pinagtutuunan daw ni Andi ang magandang nangyayari sa buhay, kabilang ang pagbabalik showbiz kung saan isa siya sa mga bida sa proyekto kasama sina Jake Cuenca, Gabby Concepcion at Iza Calzado.

No comments: