12.23.2011

A-iAi delas Alas pinayuhan ni Vilma Santos



Pinagpayuhan ni Vilma Santos si Ai-ai delas Alas na huwag pumasok sa pulitika at sa halip ay tumulong na lang ito sa ibang paraan. Karaniwan kasi nagiging tapunan ng mga nalalaos na artista ang pulitika ng mga artistang walang kamuwang-muwang sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Ito ang balita:

TAMA si Gov. Vilma Santos na pagbawalan itong si Ai-Ai delas Alas o pigilan sa plano nitong pumasok sa larangan ng pulitika. Imagine, nangangarap si Ai-Ai na maging isang congresswoman sa kanilang lalawigan ng Calatagan, Batangas. Well, kahit kami ay hindi kumbinsido na pasukin ni Ai-Ai ang pulitika lalo pa’t sa panahong ito. Hindi ba nya alam na naghihikahos ang ating bansang Pilipinas at maraming problemang kinakaharap at ano naman ang kanyang maitutulong gayong ang kanya mismong showbiz career ay nasisilipang posibleng sumemplang?
Wala na talaga siyang ningning kung ikukumpara noong nagdaang panahon, ano ang kanyang gagawin sa larangan ng pulitika? Mag-artista ka lang at baka dito ka pa magtagal nang husto. Maaari ka naman ding makatulong sa iyong mga kababayan kahit isa ka lang na artista. Wag ka ng dumagdag sa mga ilang naging mapangahas na tulad mong celebrity. Iba ang klase ng pagtulong na ginagawa ng mga taong kabilang sa larangan ng pulitika. Hindi yan yung parang artista kang pakendeng-kendeng. Mahirap at dapat laging seryoso ka at buhat at bukal sa kalooban ang pagtulong.

No comments: