10.17.2010

Ruffa Gutierrez galit kay John Lloyd Cruz

 Ruffa Gutierrez, galit?


Ikaw nga naman ang palabasing sinungaling dahil i-deny na hindi naman totoo ang sinabi mo, kagaya ni Ruffa Gutierrez, magagalit  ka rin.
Galit na naman daw si Ruffa Gutierrez kay John Lloyd Cruz, matapos nitong malaman na nag-deny ang aktor sa pagtawag-tawag nito sa kanya sa telepono.

Isang malapit na kaibigan ni Ruffa ang nagkuwento sa amin na hindi raw inaasahan ni Ruffa na magdi-deny si John Lloyd tungkol sa pagtawag-tawag nito sa kanya.

Sabi pa raw ni Ruffa, sana raw ay hindi na lang nag-comment si John Lloyd tungkol doon.

Anyway, nu’ng makita namin si Ruffa sa taping ng Paparazzi last Saturday, halata ang galit sa mukha nito nu’ng banggitin namin sa kanya ang tungkol sa ginawang pagdi-deny ni John Lloyd sa pagtawag sa kanya.

Pero, agad na tumanggi na mag-comment si Ruffa sa akin. Ayaw na raw niyang pag-usapan pa si John Lloyd.

No comments: