10.09.2010

Patrick dela Rosa arrested for attempted rape

Patrick dela Rosa, a movie actor who became popular during the 80's was arrested and jailed on the accusation of attempted rape of  a twenty year old student. 
 
Kasalukuyang nakakulong ang aktor at Oriental Mindoro first district Board Member dahil sa attempted rape case na isinampa ng isang 20-year-old student na residente ng Cainta, Rizal.

Hindi rin nila nakunan ng video o litrato ang actor-politician dahil nakaharang sa selda ang kanyang inmates.

Naganap daw ang alleged attempted rape sa Unit 2206 ng Regalia Towers sa P. Tuazon corner Edsa, Cubao, Quezon City noong Biyernes, October 8, 2 a.m.

Nakasaad sa affidavit ng complainant na may drinking session sila ng kanyang mga kaibigan sa nabanggit na condo unit nang dumating diumano si Patrick. Dahil sa epekto ng alak, pumasok daw ang estudyante sa kuwarto at mabilis na nakatulog.



Bandang 5 a.m. nang magising daw ang complainant dahil nasa ibabaw niya diumano si Patrick at pareho na raw silang walang saplot. Nagsisisigaw siya, kaya nagising ang mga kaibigan niya na tumulong sa kanya, sabi sa affidavit.

Ayon sa imbestigador ng kaso, umiiyak ang babae nang pumunta ito sa Station 7 para personal na ireklamo ang pangmomolestiya sa kanya.

No comments: