5.22.2010

Willie Revillame, magpasya na

Matigas pa rin si Willie sa plano niyang magparelease sa kaniyang knotrata sa ABS-CBN. Sumulat na siya kay Gabby Lopez kung saan ibinuhos niya ang kaniyang sama ng loob.
"Frustrated" ang terminong ginamit ng insider upang ilarawan ang nararamdaman ni Willie magmula nang sumambulat ang galit niya sa TV hanggang sa kasalukuyan. Nare-recognize na raw ng TV host na ang pagkakasabog ng emosyon nito sa May 4 telecast ng Wowowee, ang noontime variety show na kanyang hino-host sa ABS-CBN, ay "mali" at "hindi dapat naging ganoon."

"May mali," paulit-ulit raw na sinasabi nito sa ilang kaibigang matalik. Hindi nga raw niya dapat "ginanoon ang ABS," na parang hinamon na niya ng harap-harapan sa mata ng publiko.

Pero agad-agad ding pumapasok ang pagiging defensive ni Willie, ayon pa rin sa insider. Paulit-ulit din daw naririnig sa TV host ang: "Same network kami, pero inaatake ako. Pareho kaming talent dito, bakit ako binabanatan sa ere? 'Tapos, pinapayagan lang ng ABS? Di ba dapat pinoprotektahan kaming mga talents? Nagpapakapagod kami rito, nagkakasakit, tapos papayagan nilang ganunin lang kami?"

No comments: